Noong ika-26 ng Setyembre, 2018, nagtagpo sa New York, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Heiko Maas, Ministrong Panlabas ng Alemanya.
Ipinahayag ni Wang na ang Tsina ay tagapagtatag at kalahok ng kasalukuyang sistemang pandaigdig. Aniya, matatag na pangangalagaan ng Tsina ang proseso ng mutilateralismo, sistemang pandaigdig na ang nukleo ay United Nations, at mekanismong pangkalakalan ng daigdig. Ipinahayag din ni Wang ang pagbati ng Tsina sa Alemanya na manunungkulan bilang di-pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council sa susunod na taon.
Ipinahayag naman ni Maas na matatag na kumakatig ang Alemanya at Tsina sa multilateralismo, at may magkatulad silang palagay sa mga isyung pandaigdig na gaya ng malayang kalakalan, pagbabago ng klima, at isyung nuklear ng Iran. Umaasa aniya ang Alemanya na patitingkarin ng Tsina ang mas malaking papel sa mga suliraning pandaigdig. Nakahanda ring pahigpitin ng dalawang panig ang koordinasyon hinggil sa mga multilateral na organisasyong pandaigdig na gaya ng UN Security Council.
salin:Lele