|
||||||||
|
||
Ngayong araw, Oktubre 1, 2018, ay Pambansag Araw ng Tsina. Sa 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) na ginanap noong nagdaang Setyembre, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang kapayapaan at kaunlaran ay pangunahing paksa ng kasalukuyang siglo. Kailangan aniyang isabalikat ng komunidad ng daigdig ang makasaysayang responsibilidad sa pamamagitan ng pagkakaisa, katalinuhan, at katapangan.
Sa kasalukuyang daigdig, kinakaharap ng buong daigdig ang di-katulad na napakalaking hamon. Bilang tagapagsuporta ng kaayusang pandaigdig at tagapagtaguyod ng multilateralismo, ang aksyon ng Tsina tungkol sa nasabing paksa ay nakakatawag ng malaking pansin ng komunidad ng daigdig.
Para sa kapayapaan, kasabay ng pagpapasulong ng Tsina ng matatag na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa, ang Tsina ay nagsisilbing "masusing elemento at puwersa" ng mga aksyong pamayapa ng United Nations (UN). Nitong 28 taong nakalipas, ipinadala ng Tsina ang lahat-lahat 37 libong pulis at sundalo sa paglahok sa mga aksyong pamayapa ng UN. 21 sundalo at pulis ng Tsina ay nagsakripisyo sa aksyong pamayapa.
Ipinalalagay ni Nick Birnback, Tagapagsalita ng UN Departments of Peacekeeping Operations and Field Support, na bilang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council, nakalikha ang Tsina ng mainam na huwaran.
Tungkol naman sa kaunlaran, sapul nang iharap ng Tsina ang "Belt and Road" Initiative noong taong 2013, mahigit 100 bansa at organisasyong pandaigdig ay nakipaglagda sa kasunduan sa Tsina. Umabot sa 28.9 na bilyong dolyares ang kabuuang pamumuhunan ng Tsina sa mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road" para maitayo ang sona ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Nakalikha ang mga ito ng 244 libong pagkakataon ng trabaho at mahigit 2 bilyong dolyares na buwis sa lokalidad.
Ipinahayag ni Pangulong Uhuru Kenyatta ng Kenya na may napakalaking potensyal ng kooperasyon ang inisyatiba ng "Belt and Road." Aniya, nakikinabang dito ang mga kalahok na bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |