Tungkol sa walang pahintulot na pagpasok ng mga warship na Amerikano sa South China Sea (SCS), nagpahayag Oktubre 2, 2018 si Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, ng matatag na pagtutol ng Tsina.
Aniya, mayroong di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa South China Sea at mga pulo sa paligid nito. Aniya, sa kasalukuyan, nagiging matatag at mabuti ang kalagayan ng SCS sa ilalim ng pagsisikap ng Tsina at ASEAN. Pero, muli't muling nagpadala ang Amerika ng mga warship na pumasok sa rehiyong pandagat sa paligid ng mga pulo ng SCS, ito ay nagsasapanganib sa relasyong Sino-Amerikano, at nakakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag ni Wu na dapat matatag na isabalikat ng tropang Tsino ang responsibilidad ng seguridad, patuloy na isagawa ang anumang kailangang mga hakbangin para pangalagaan ang soberanya at seguridad ng bansa, at kapayapaan at katatagan ng rehiyon.