|
||||||||
|
||
Sinabi ni Ruben Carandang, Office of Civil Defense Director sa Cordillera Region na lubhang mapanganib na para sa mga sangkot sa retrieval operations na magpatuloy sa paghahanap sa Ucab.
Narating na umano ng mga tauhang sangkot sa operasyon ang bahagi ng landslide na deklaradong mapanganib ayon na rin sa Mines and Geosciences Bureau. Inalis na ang lahat ng mga makinarya at kagamitang dinala sa "ground zero."
Apat katao ang patuloy na nawawala nang tapusin na ang operasyon kahapon ng tanghali. Higit sa 60 katao ang deklaradong nasawi sa insidente.
Ang bayan ng Itogon ang isa sa pinakanapinsala ng tumama ang bagyong "Ompong" sa hilagang Luzon noong nakalipas na buwan at naging dahilan ng pagguho ng lupa, mga pagbaha at matinding pinsala sa mga sakahan at pagawaing bayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |