Ipinatalastas Oktubre 2, 2018, ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na dadalaw muli si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika sa DPRK o Hilagang Korea, at katatagpuin siya ni Kim Jong Un, Kataas-taasang lider ng bansang ito.
Ang iskedyul na ito ay isiniwalat ni Heather Nauert, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika. Pero, hindi niya ipinaliwanag ang detalye hinggil sa pagtatagpo. Inulit niyang laging pinananatili ng Amerika at Hilagang Korea ang diyalogo, at hindi magbabago ang target ng Amerika na ganap na itatakwil ng Hilagang Korea ang sandatang nuklear.
salin:Lele