|
||||||||
|
||
SINABI ng Malacanang na katig sila sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines na nagtatangka ang Communist Party of the Philippines na puwersahin si Pangulong Rodrigo Dutgerte na magdeklara ng batas military upang magkaroon ng malawakang suporta upang mapatalsik ang kasalukuyang pamahalaan.
Tumanggi naman ang Communist Party of the Philippines sa pahayag na ginawa ni AFP chief General Carlito Galvez, Jr. sapagkat kumontra na ang kanilang samahan sa pagdedeklara ng pamahalaan ng martial law sa Mindanao upang madurog ang mga teroristang kabilang sa ISIS.
Pinuna ng mga komunista si Galvez sa pagsasabing ginagamit nila ang mga kabataan upang magawa ang "Red October" na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan na kinasasangkutan ng mga kabataan, mga manggagawa at mga katutubo.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na magkasama ang ehekutibo at sandatahang lakas ng bansa na isinusulong ng mga komunistang magdeklara ng batas military ang pangulo.
Sa nakatakdang panggugulo sa pamamagitan ng Red October, umaasa ang mga komunista na magdeklara ang pangulo ng martial law sa buong bansa. Hindi umano papatulan ng pamahalaan ang layuning ito. Wala rin umanong dahilan upang magdeklara ng martial law sa buong bansa. "Under control" umano ng pamahalaan ang mga nagaganap sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |