|
||||||||
|
||
GANAP na ikapito ng gabi oras sa Stockholm, Sweden kagabi ng idaos ang Misa sa gunita ni Mailyn Conde Sinambong na pinaslang ng kanyang esposong Swedish national. Naganap ang misa sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Oslo, Norway at pinangasiwaan nina Fr. Ron Toledo at Fr. Gabe Baldostamon, mga religious missionaries sa Sweden.
Lumahok sa misa si Consul General Ma. Elena Algabre, tiyahin ng napaslang na kinilalang si Lugina Eliasen ar mga kasapi ng Filipino community sa Stockholm.
Nakatakdang kausapin ni Bb. Algabre ang mga pulis at tagausig na may hawak ng usapon upang mabatid ang dagdag na detalyes sa krimen at kung paano maiuuwi kaagad ang labi ng napaslang.
Kakausapin din niya ang isang abogadong dalubhasa sa mga usapin ng pamilya hinggil sa pagaalaga sa dalawang naulila, isang sampung taong gulang na batang lalaki at isang apat na taong gulang na batang babae. Napipiit na ang asawa ni Mailyn Conde Sinambong. Hindi pa nababatid ang motibo ng pagpatay hanggang sa mga oras na ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |