SINABI ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na umaasa silang kikilos ang pamahalaan upang makatapat lamang ng mga kalapit-bansa ang halaga ng kuryente upang gumanda ang takbo ng kalakal.
Sa oras na maganap ito, makakatawag pansin ang pagbabagong ito sa mga mangangalakal sa iba't ibang bansa na maglagak ng kapital sa Pilipinas. Sa mga nakapasang kalakal sa Board of Investments at Philippine Economic Zone Authority, bumababa ang mga ito. Sa mga nakalipas na panahon, nanawagan na ang American Chamber of Commerce of the Philippines na hindi nakatutulong ang mahal na halaga ng kuryente. Isa ang halaga ng kuryente sa mga hadlang sa pagpasok ng bagong kalakal.