|
||||||||
|
||
Ayon kay Roque, hindi ipinalalagay ni Pangulong Rodrigo na may kinalaman si Michael Yang sa pagbebenta ng mga ilegal na droga. Sinabi pa niyang mali at masama ang ulat ng Rappler ukol dito. Ito aniya ay nagbabanta sa bilateral na relasyon ng Pilipinas at Tsina.
Ayon sa ulat ng Rappler, sinabi Huwebes, Oktubre 4 ni Pangulong Duterte sa Malacanang na si Machael Yang ay drug addict at may mabuting ugnayan si Embahador Zhao sa kanya.
Sinabi ni Roque na kahit nagtalumpati si Pangulo Duterte sa Malacanang, walang anumang batayan ang interpretasyon ng ulat ng Rappler sa sinasabi ng Pangulo.
Samantala, ipinahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano na ang ulat ng Rappler ay hindi batay sa katotohanan. Aniya pa, malinaw ang sinasabi ni Pangulong Duterte sa talumpati, pero sinalungat ng ulat ng Rappler ang katotohanan.
Bukod sa Rappler, ginamit ang parehong pananaw ng mga ulat ng ABS-CBN at GMA ukol dito. Sinabi ni Cayetano na umaasa siyang iwawasto ng mga media ang maling ulat ukol dito para maiwasan ang negatibong epekto sa relasyon ng Pilipinas at ibang mga bansa.
Nanawagan din siya sa publiko na panoorin at pakinggan ang buong talumpati ng pangulo para mas malinawan sa tunay na ibig-sabihin niya.
Ulat: Ernest Wang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |