|
||||||||
|
||
WALANG nakatakdang pagsasanay ang Pilipinas at Estados Unidos sa susunod na buwan. Ito ang niliwanag ng Embahada ng America sa Maynila kanila. Ayon kay Bb. Molly Koscina, walang anumang pagsasanay na magaganap.
Naglabas ng pahayag ang Embahada ng America sa Maynila matapos sabihin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi lalahok ang Pilipinas sa joint exercises kasama ang America sa Nobyembre.
Nabanggit sa isang press briefing ni G. Roque na nababahala ang Tsina sa sinasabing joint exercises na tatapat sa pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Maynila sa Nobyembre.
Mayroon umanong malapit na pagtutulungan ang America at Pilipinas lalo pa't mahalaga sa kani-kanilang pambansa at pagseguridad na interest kabilang na ang counter terrorism, maritime security, cyber security, humanitarian assistance at disaster relief at iba pa.
Magkakaibigan at magkaka-alyado ang Pilipinas at America, dagdag pa ni Bb. Koscina. Magugunitang noong nakalipas na buwan, sa taunang Mutual Defense Board and Security Engagement Board, nagkasundo ang America at Pilipinas sa may 281 security cooperation activities para sa susunod na taon at mas mataas ng 10% sa mga pagtutulungan at pagkilos ngayong taong 2018.
Nabanggit ni G. Roque ang pag-atras ng Pilipinas sa pagsasanay matapos magkausap sina Pangulong Duterte at Chinese Ambassador Zhao Jianhua.
Ayon naman sa military sources, walang nakatakdang pagsasanay sa pagitan ng America at Pilipinas taliwas sa sinabi ni Secretary Harry Roque.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |