Isang mensaheng pambati ang ipinadala ngayong araw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Xizang Minzu University.
Sinabi ni Xi na nitong 60 taong nakalipas, maraming magagaling na opisyal at propesyonal ang nahubog ng nasabing unibersidad para sa pag-unlad ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina. Ang Xizang ay tawag sa Tibet sa wikang Tsino, samantalang ang Minzu ay nangangahulugang grupong etniko.
Hiniling din ni Xi sa mga guro ng pamantasan na pagalingan pa ang pagtuturo para hubugin ang mas maraming talento para sa kaunlaran ng Tibet at buong bansa.
Ang Xizang Minzu University na nakabase sa Xianyang, lalawigang Shaanxi ay ang kauna-unahang unibersidad ng mas mataas na edukasyon na itinatag ng pamahalaang lokal ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet, noong 1958. Nauna itong tinawag na Tibet Public School at pinangalanang Xizang Minzu University noong 1965.
Salin: Jade
Pulido: Rhio