|
||||||||
|
||
Sa kanyang pagdalo sa Porum ng Kabuhayan at Kalakalan ng Tsina at Netherlands, bumigkas ng talumpati, Oktubre 16, 2018, si Premiyer Li Keqiang ng Tsina, at sinabi niyang patuloy na palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas at ibayo pang pagiginhawahin ang pagpasok ng mga negosyante sa pamilihan. Ani Li, ang Pamahalaang Tsino ay patas na makikitungo sa iba't ibang uri ng mga bahay-kalakal na magpaparehistyo sa Tsina.
Ang porum ang pinakahuling aktibidad na dinaluhan ni Premiyer Li sa kaniyang pagdalaw sa Netherland. Nilahukan ito ng mahigit 400 tauhan mula sa sektor ng industrya at komersyo ng dalawang bansa.
Ipinahayag din ni Li na nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na lumalalim ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa. Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Netherlands, para mapasulong ang mas malawak, mas malalim at may mas mataas na lebel na bilateral na kooperasyon.
salin:Lele
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |