MAGBABAWAS ang Department of Budget and Management ng gastos sa mga paglalakbay at mga sasakyang bibilhin sa napipintong pagsuspinde ng paniningil ng excise tax sa darating na Enero ng 2019.
Hindi muna maglalakbay ang mga opisyal ng pamahalaan at wala munang bibilhing sasakyan upang hindi magalaw ang mga proyektong saklaw ng Build, Build, Build.
Magbabawas ng gastos ang pamahalaan sa non-infrastructure items upang mapanatili ang deficit goal na 3.2 percent ng Gross Domestic Product sa 2019. Hindi naman mababawasan ang gastos sa human capital development.