|
||||||||
|
||
NANINIWALA si Dr. Rene Ofreneo, dating dekano ng University of the Philippines-School of Labor and Industrial Relations na ang krisis sa ekonomiya ang magiging malaking isyu sa darating na halalan sa Mayo 2019.
Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ni Dr. Ofreneo na sa likod ng popularidad ni Pangulong Duterte, isang malaking balakid ito sa kanyang mga kandidato. Hindi pa nababatid ang sama ng loob ng mga karaniwang mamamayan sa nagaganap sa ekonomiya.
Kahit pa umano naging popular ang mga pinuno ng bansa, pagnaganap ang krisis sa ekonomiya, magiging mahirap ang dagok nito sa mga nanungungkulan. Nakita na ang pagtaas ng inflation at sumipa na sa 6.7 percent noong nakaliupas na buwan. Sinisisi ng karamihan ang TRAIN sa patuloy na pagtaas ng inflation.
Naniniwala naman si G. Ramon Casiple, executive director ng Institute for Political and Electoral Reforms na hindi mababawasan ang pagkakataon ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa halalan.
Hanggang ngayon na lamang ang takdang araw upang magparating ng kanilang certificates of candidacy ang mga nagnanais tumakbo para sa Midterm Elections.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |