|
||||||||
|
||
Sa sidelines ng Ika-12 Asia-Europe Meeting Summit (ASEM) na idinaos nitong Biyernes, Oktubre 19, sa Brussels, Belgium, nagtagpo sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya.
Nagkasundo ang dalawang opisyal na ibayo pang magbubukas ang kani-kanilang pamilihan, palawakin ang mga pragmatikong pagtutulungan, at magkasamang pangalagaan ang multilateralismo.
Idinagdag pa ni Premyer Li na ang mga kompanyang Aleman na gaya ng kompanyang kemikal na BASF at bahay-kalakal ng sasakyang-de-motor na BMW ay nakikinabang sa bagong round ng pagbubukas ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |