Sa panahon ng kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Guangdong sa timog ng Tsina, bumisita kahapon, Miyerkules, ika-24 ng Oktubre 2018, sa Shenzhen, si Pangulong Xi Jinping ng bansa, sa isang eksibisyon hinggil sa pag-unlad ng Guangdong nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas.
Sinabi ni Xi, na nitong 40 taong nakalipas, natamo ng Tsina ang kapansin-pansing bunga ng pag-unlad. Dapat aniya ipagpatuloy ng bansa ang reporma at pagbubukas sa labas, palalimin ang usaping ito, at pataasin ang lebel nito, para matamo ang mas maraming bagong bunga.
Salin: Liu Kai