Punong lehislador ng Tsina, dumalo't nagtalumpati sa ika-8 Xiangshan Forum: kooperasyon at partnership, binigyang diin
Dumalo Oktubre 24, 2018, si Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) sa hapunang panalubong para sa Ika-8 Xiangshan Forum.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Li na ang Xiangshan Forum ay nagiging mahalagang plataporma ng diyalogo ng seguridad sa mataas na antas sa Asya-Pasipiko. Ipinahayag niyang laging itinataas ng Tsina ang bandila ng koopearsyon may win-win situation, mutilateralismo, at partnership na walang kinikilingan. Aniya, walang balak ang Tsina na maghari-harian, at naninindigan nitong maayos na paglutas sa mga isyung pandaigdig sa pamamagitan ng pantay-pantay na diyalogo at pagsasanggunian, at ayon sa mga tuntunin at komong palagay ng daigdig.