Ipinahayag Oktubre 24, 2018, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na pinagtutuunan ng pansin ng kanyang bansa ang positibong pakikitungo ng Malaysia sa Belt and Road Initiative (BRI). Aniya, patuloy na pasusulungin ng dalawang bansa ang kooperasyon para magbigay ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang panig at rehiyon.
Sa kanyang panayam sa media, pinapurihan ng opisyal ng Malaysia ang kahalagahan ng BRI sa relasyon ng Malaysiya at Tsina. Aniya, kapuwa ang nakaraan at kasalukuyang pamahalaan ng Malaysia ay laging kumakatig sa BRI para sa komong kasaganaan.