Ipinahayag Oktubre 29, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbang para tulungan ang mga naipit na turistang Tsino sa Saipan Island, na apektado ng grabeng panahon.
Dumaan kamakailan sa Northern Mariana Islands, Amerika ang Bagyong Yutu. Dahil dito, isinarado ang paliparan, at 1,500 turistang Tsino ang napilitang nanatili roon.
Ani Lu, sa kasalukuyan, 3 flight na ang naipadala ng mga Chinese airlines, at 713 turistang Tsino ang nailikas mula sa nasabing isla.