|
||||||||
|
||
NAKATAKDANG makalabas na sa Al Nisa jail ang may 19 ng mga Filipino na nadakip dahil sa pagdalo sa isang Halloween party. Magugunitang nadakip ang mga Filipino noong Biyernes matapos ireklamo ng kapitbahay sa isang compound ang ingay at pagdiriwang ng walang pahintulot.
Ipinagbabawal din ang pagsasama sa mga okasyon at maging sa mga liwasan ng mga kababaihan at kalalakihang 'di kasal.
Sa pangyayaring ito, nanawagan si Ambassador Adnan Alonto sa mga Filipino sa Saudi Arabia na igalang ang kultura at paniniwala ng mga mamamayan sa banyang pinaglilingkuran.
Sa pinakahuling ulat ni Assistant Secretary Elmer Cato ng Department of Foreign Affairs, nabatid na sumangayon na ang Saudi Arabia na palayain ang 19 na overseas Filipino workers na dinakip sa Riyadh.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |