|
||||||||
|
||
SINABI ni Arman Hernando ng Migrante International na marapat maging inspirasyon ang pagpapalaya kay Jennifer Dalquez. Isang mahalagang leksyon din ito upang tingnan ang mga usapin ng pang-aabuso sa mga manggagawang Filipino sa iba't ibang bahagi ng daigdig.
Marapat lamang makita ang "best practices" at suriing mabuti ang mga kalakaran sa iba't ibang bansang tutunguhin ng mga mangingibang bansang mga manggagawa.
Sa isang press conference, nanawagan si G. Hernando kay Pangulong Duterte na pagbalik-aralan ang mga kalakaran at alituntunin sa pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa upang maipagtanggol at matiyak na igagalang ang kanilang mga karapatan.
Alamin ng pamahalaan ang mga pagkukulang upang maiwasan na ang pang-aabuso sa mga manggagawang nagtatrabaho sa iba't ibang bahagi ng daigdig, dagdag pa ni G. Hernando.
Ayon kay G. Hernando, mayroon pang mga 70 manggagawang Filipino ang nahaharap sa parusang kamatayan sa mga usaping pagpatay at drug-related cases.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |