AABOT sa 136.6 libo katao ang apektado ni "Rosita." Ito ang nabatid mula sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs o OCHA. May 20 mga lalawigan ang apektado na kinabibilangan ng 193 mga bayan at lungsod at 1,143 mga barangay.
May 62.3 libong mga mamamayan ang apektado rin ng bagyo. Aabot naman sa 79.2 porsiyento ang naninirahang pangsamantala sa 492 evacuation centers na karamihan ay mga paaralan.
Mayroong 6,494 ng mga tahanan ang napinsala. Sa larangan ng pagawaing-bayan, 58 mga bahagi ng mga lansangan at walong tulay ang apektado sa pagkakaroon din ng 11 landslides. Siyam sa mga paguho ng lupa, ayon sa UN OCHA, ang naganap sa Cordillera Region.