TATLONG mga tauhan ng militar, mga kasapi ng CAFGU ang nakasama sa walo kataong nasawi sa paguho ng lupa sa Natonin, Mountain Province.
Ayon kay Capt. Jefferson Somera, tagapagsalita ng 5th Infantry Division, pawang mga kasama ng Alpha Company ng 77th Infantry Battalion ang mga nasawi.
Nakatalaga sila sa Ubao Patrol Base sa Aguinaldo, Ifugao bago naganap ang sakuna. Nakabakasyon umano ang mga nasawi ng maganap ang sakuna. Nagtrabaho umano ang mga CAFGU sa DPWH upang madagdagan ang kanilang kita mula sa allowances. Naglilingkod umano ang mga CAFGU sa loob ng 15 araw bawat buwan.