|
||||||||
|
||
Sr. Patricia Fox, pauwi na bukas. Malungkot ang 73 talong gulnat na madre na lilisan ng bansa matapos tanggihan ng Bureau of Immigration ang kanyang kahilingang dagdagan ang takdang panahon sa kanyang temporary visitor's visa. (File Photo/Melo M. Acuna)
NAKATAKDANG maglakbay pabalik ng Australia si Sr. Patricia Fox, ang madreng nakikialam umano sa mga usaping politikal sa bansa. Nakatakda siyang sumakay ng eroplano ganap na ika-siyam ng gabi matapos tanggihan ng Bureau of Immigration ang kanyang kahilingang pahabain ang kanyang temporary visitor's visa.
Naglingkod sa iba't ibang komunidad si Sr. Patricia Fox, partikular sa mga pook na katatagpuan ng mga mahihirap na magsasaka at mangingisda at maging mga manggagawa.
Ganap na ikasampu ng umaga magaganap ang pagtitipon at press conference sa St. Joseph's College sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City at magkakaroon ng motorcade patungo sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help sa Baclaran bago siya ihatid sa Ninoy Aquino International Airport.
Sa panayam kay Sr. Pat, sinabi niyang masama ang kanyang loob sa paglisan sa Pilipinas subalit umaasa siyang makababalik sa oras na matapos ang pangunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |