Sinabi Huwebes, Nobyembre 1, 2018 ni Baitul Ihwan, Tagapagsalita ng Ministri ng Transportasyon ng Indonesia, na matagumpay na nakuha ng mga rescue member ang unang black box ng bumagsak na eroplano ng Lion Air. Aniya, dadalhin ang nasabing black box sa Jakarta para sa pagsusuri. Sa kasalukuyan, di pa tiyak kung flight data recorder o cockpit voice recorder ang nasabing black box.
Noong Oktubre 29, bumagsak sa dagat ang isang domestic flight ng Lion Air ng Indonesia na may lulang 189 tao.
Salin: Vera