Nakipagtagpo ngayong araw, Lunes, ika-5 ng Nobyembre 2018, sa Shanghai, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga kinatawan ng mga dayuhang negosyanteng kalahok sa unang China International Import Expo (CIIE).
Ipinahayag ni Xi ang mainit na pagtanggap sa paglahok ng mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansa sa nasabing ekspo.
Sinabi rin niyang, patuloy na magkakaloob ang Tsina ng mainam na kapaligiran para mamuhunan at magkaroon ng negosyo sa bansa ang mga dayuhang bahay-kalakal. Umaasa aniya siyang, lubos na babahaginan ng mga pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina ang mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansa, para maisakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win result.