Pagkaraan ng kanilang pag-uusap, magkasamang nakipagtagpo sina Premiyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya sa mga mamamahayag.
Sinabi ni Li na nitong 22 taong nakalipas, nagpapatuloy ang regular na pagtatagpo ng mga PM ng Tsina at Rusya, at ito ay nagpapakita ng mataas na antas at matatag na komprehensibong partnership ng dalawang bansa. Ito rin aniya ay nakakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig.
Ipinahayag naman ni Medvedev na malalim ang relasyon sa pag-unlad ng Rusya at Tsina. Patuloy aniyang humihigpit ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan at departamento, at tumataas din ang halaga ng bilateral na kalakalan. Aniya, nakahanda ang Rusya na pangalagaan, kasama ng Tsina, ang mekanismo ng multilateral na kalakalan, at pahigpitin ang pag-uugnay ng Eurasian Economic Union at Belt and Road Initiative.