Ipininid kagabi, Nobyembre 9, sa Tuole, nayon sa Liupanshui, siyudad sa lalawigang Guizhou sa dakong timog ng Tsina ang 2018 China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum.
![]( /mmsource/images/2018/11/10/c66a01c46dd1405694ae0c67f9edb1dc.jpg)
Sa katatapos na porum na tinagurian ding Tuole Forum, 15 proyektong pangkooperasyon na nagkakahalaga ng mahigit 29.5 bilyong yuan RMB o 4.3 bilyong dolyares ang nilagdaan. Tampok sa porum ang digital city, turismong pangkalusugan, bagong materyal, bagong enerhiya at iba pang nasabing mga proyekto.
Ang taunang Tuole Forum ay nagsimula noong 2016.
Salin: Jade
Pulido: Mac