Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Tsino, nanawagan sa multilateralismo sa "Singapore Lecture"

(GMT+08:00) 2018-11-13 20:38:36       CRI

Sa "Singapore Lecture" na ginanap kaninang umaga, Nobyembre 13 (local time), 2018, bumigkas si Premyer Li Keqiang ng Tsina ng keynote speech na pinamagatang "Magkakasamang Paglilikha at Pagtatamasa ng Kasaganaan sa Proseso ng Pagbubukas at Konektibidad." Sinagot din niya ang mga tanong mula sa mga kalahok. Dumalo sa nasabing talakayan sina Punong Ministro Lee Hsien Loong at Pangalawang Punong Ministro Teo Chee Hean ng Singapore.

Ipinahayag ni Premyer Li na sa kasalukuyan, matatag na sumusulong ang relasyong Sino-Singaporean, at walang humpay na isinusulong nang malalim ang mga pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa. Sa dalaw-pang-estado na isinagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Singapore noong 2015, naitatag ng dalawang bansa ang komprehensibong kooperatibong partnership. Aniya, nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, malawakang nakikilahok ang iba't-ibang sektor ng Singapore sa prosesong ito, at naisakatuparan nila ang bungang may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.

Tinukoy rin niyang nagiging masalimuot ang kasalukuyang pandaigdigang kalagayang pampulitika at pangkabuhayan, at dumarami ang mga di-tiyak na elemento. Aniya, nitong mahigit 70 taong nakalipas sapul nang bigyang-wakas ang World War II, napapanatili sa kabuuan ang kapayapaang pandaigdig, at sustenableng nababawasan ang bilang ng mga mahirap na populasyon. Ito aniya ay salamat sa multilateralismo, kaayusang pandaigdig at malayang kalakalan na nakabase sa regulasyon. Itinataguyod ng panig Tsino ang malayang kalakalan, at kinakatigan ang katarungan at pagkakapantay ng kalakalan, dahil ang kalayaan ay nagsisilbing paunang kondisyon ng makatuwirang kalakalan, aniya pa.

Ipinagdiinan ng Premyer Tsino na sa kanyang pananatili sa Singapore, dadalo rin siya sa serye ng pulong ng mga lider ng kooperasyon sa Silangang Asya upang ibayo pang mapasulong ang relasyong Sino-ASEAN. Aniya, sasaklaw ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa halos kalahating populasyon at halos 1/3 trade volume ng buong daigdig. Ito ay makakatulong sa pagpapasulong ng integrasyong pangkabuhayan sa rehiyong ito, dagdag niya. Patuloy na pasusulungin ng panig Tsino kasama ng iba't-ibang kinauukulang panig, ang talastasang ito, batay sa may mutuwal na kapakinabangan at pleksibleng atityud, dagdag pa niya.

Tungkol naman sa isyu ng South China Sea, sinabi ni Premyer Li na sa kasalukuyan, humuhupa ang tensyon sa situwasyon sa South China Sea. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng iba't-ibang bansang ASEAN, upang komprehensibo at mabisang maisakatuparan ang "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea." Dagdag pa ni Premyer Li, sa pamamagitan ng diyalogo, magsisikap ang iba't-ibang panig upang tapusin ang kanilang pagsasanggunian hinggil sa "Code of Conduct (COC) in the South China" sa loob ng darating na tatlong taon para sa kapayapaan at kaunlaran sa rehiyong ito

Bukod dito, sinagot din ni Premyer Li ang mga tanong mula sa mga kalahok tungkol sa relasyong Sino-Singaporean, mapanlikhang kooperasyon, relasyong Sino-Amerikano, kooperasyong Sino-ASEAN, at iba pa.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>