|
||||||||
|
||
Sina Premyer Li (kaliwa) at Pangulong Yacob (kanan)
Sinabi ni Premyer Li na pinahahalagahan ng Tsina't Singapore ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at batay rito, madalas ang pagdadalawan sa mataas na antas, mahigpit ang pagpapalitan ng mga mamamayan, at lumalawak ang mga pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa. Nakikinabang dito ang mga mamamayan ng magkabilang panig, dagdag ni Li. Pinasalamatan ng premyer Tsino ang positibong papel na ginampanan ng Singapore bilang bansang tagapagkoordina sa pagitan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Singapore, para ibayo pang mapasulong ang relasyon ng Tsina't ASEAN at magbigay ng bagong ambag para sa kapayapaang panrehiyon at pandaigdig.
Sinabi naman ni Yacob na 40 taon na ang nakakaraan, nagsimula ang Tsina ng reporma't pagbubukas sa labas. Bunga nito, tumahak ang Tsina sa landas ng mabilis na pag-unlad, at nakalikha rin ito ng bagong simula ng ugnayang Sino-Singaporean. Sa biyahe ni Li sa Singapore, nilagdaan ng dalawang bansa ang mahigit 10 kasunduang pangkooperasyon, na kinabibilangan ng pag-a-upgrade ng kasunduan ng malayang kalakalan, saad ni Yacob. Nagkasundo rin ang dalawang bansa na kasabay ng maalwang pag-unlad ng mga pangunahing proyekto sa pagitan ng dalawang pamahalaan, gagalugarin pa nila ang bagong larangan ng pagtutulungan, at palalalimin ang kooperasyon sa kultura at turismo, para mapatatag ang pundasyon ng bilateral na relasyon, dagdag pa ni Yacob. Ipinahayag din ng pangulo ng Singapore ang kahandaan ng kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina, para mapasulong ang pagtutulungan sa pagitan ng Tsina't ASEAN.
Salin: Jade
Larawan: Xinhua
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |