|
||||||||
|
||
Nag-usap ngayong araw, Biyernes, ika-16 ng Nobyembre 2018, sa Port Moresby, sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Peter O'Neill ng Papua New Guinea.
Binigyan ng dalawang lider ng positibong pagtasa ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Papua New Guinea. Ipinasiya nilang, itatatag ng dalawang bansa ang komprehensibo at estratehikong partnership batay sa paggagalangan at komong pag-unlad.
Ipinahayag din ni Xi ang pag-asang, palalakasin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa loob ng balangkas ng Belt and Road Initiative, pasisimulan sa lalong madaling panahon ang talastasan sa kasunduan sa malayang kalakalan, at pasusulungin ang kooperasyon sa production capacity, kalakalan, pamumuhunan, at iba pa.
Ipinahayag naman ni O'Neill ang kahandaan ng Papua New Guinea na aktibong lumahok sa kooperasyon ng Belt and Road Initiative, at ang paghanga sa positibong papel ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |