Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Limang beses na pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Radrigo Duterte ng Pilipinas, nagsulong ng relasyon ng dalawang bansa: Ika-6 na pagtatagpo, idaraos

(GMT+08:00) 2018-11-16 15:47:05       CRI

Nitong nakaraang dalawang taon, limang beses na nagtagpo sa magkakahiwalay na okasyon sina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Rodrigo Duterte, Pangulo ng Pilipinas. Balik-tanawin natin ang mga ito.

Unang beses, Beijing

Beijing, China — Sa pag-uusap Oktubre 20, 2016, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang lider na pasulungin ang komprehensibong pagpapabuti ng relasyong Sino-Pilipino at pagtatamo nito ng mas malaking progreso. Ipinahayag din nila ang kahandaang maayos na lutasin ang isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng bilateral na diyalogo at pagsasanggunian.

Sapul nang manungkulan si Pangulong Duterte, ito ang kanyang unang biyahe sa Tsina. Ito rin ang unang pagkikita ng dalawang lider sapul nang magsimulang bumuti ang relasyong Sino-Pilipino.

Tinukoy ni Pangulong Xi na bagama't nararanasan ng Tsina at Pilipinas ang mga pagsubok, hindi nagbabago ang pundasyon ng damdamin at mithiin sa kooperasyon ng dalawang panig. Lubos aniyang pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyon sa panig Pilipino. Nakahanda aniyang magsikap ang Tsina, kasama ng Pilipinas, upang mapasulong pa ang relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Pangulong Duterte na ang kasalukuyang panahon ay tagsibol para sa relasyong Pilipino-Sino. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalakas ang relasyon ng dalawang bansa.

Pagpapalagayang Sino-Pilipino, komprehensibong napanumbalik

Ikalawang beses, Lima

Lima — Nakausap Nobyembre 19, 2016 (local time), sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders' Meeting, ni Pangulong Xi Jinping ang kanyang Philippine counterpart na si Rodrigo Duterte. Sinang-ayunan ng dalawang lider na ibayo pang pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa para matamo ang mas maraming bunga ng kanilang kooperasyon.

Binigyang-papuri ni Pangulong Xi ang ginawang state visit ni Pangulong Duterte sa Tsina noong isang buwan. Aniya, natamo ng biyaheng ito ang malaking bunga para sa relasyong Sino-Pilipino, at nakapagbigay ito ng positibong enerhiya sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.

Lubos namang pinapurihan ni Pangulong Duterte ang kanyang matagumpay na biyahe sa Tsina noong isang buwan. Aniya, natamo ng kanyang biyahe ang mayamang bunga.

 Xi Jinping at Rodrigo Duterte, sumang-ayong pasulungin ang kooperasyong Sino-Pilipino

Ikatlo beses, Beijing

Kinatagpo Mayo 15, 2017, dito sa Beijing ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina si Rodrigo Duterte,Pangulo ng Pilipinas na kalahok sa the Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).

Tinukoy ni Xi na ang Pilipinas ay isang mapagkaibigang kapitbansa ng Tsina, at mahalagang partner sa konstruksyon ng "Belt and Road." Ang paggigiit ng kooperasyong pangkaibigan ng mga kapitbansa para sa win-win situation ay tumpak na landas ng pag-unlad ng ralasyon ng dalawang bansa. Nakahanda ang Tsina na palalimin, kasama ng Pilipinas, ang ugnayan ng estratehiya ng pag-unlad ng dalawang bansa, at nang sa gayo'y, matamo ang mas maraming bunga at makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan.

Duterte at Xi Jinping, nag-usap

Ikaapat na beses, Da Nang

Da Nang, Biyetnam — Sa kanyang pakikipagtagpo Nobyembre 11, 2017, kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sapul nang isagawa ni Pangulong Duterte ang state visit sa Tsina noong Oktubre ng nagdaang taon, aktibong nagsasagawa ang dalawang panig ng kooperasyon. Aniya, ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino ay hindi lamang nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa kanilang mga mamamayan, kundi nakakapagbigay rin ng mahalagang ambag para sa kapayapaan at katatagang panrehiyon. Nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Pilipino, upang mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, mapatibay at mapalakas ang kooperasyon, at makapagbigay ng mas maraming kapakanan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa, ani Xi.

Ipinagdiinan din ng pangulong Tsino na ang pag-unlad ng Tsina ay nangangailangan ng pangmalayuang mapayapa at matatag na kapaligirang panlabas. Igigiit aniya ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at igigiit ang pagsasakatuparan ng kaunlaran sa proseso ng pagbubukas sa labas at kooperasyon. Ani Xi, sa kasalukuyan, nasa bagong simulang historikal ang relasyong Sino-Pilipino. Dapat aniyang palalimin ng dalawang panig ang paglalagayan sa mataas na antas, palalimin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan, at palakasin ang estratehikong pamumuno, upang maigarantiya ang pagsulong ng relasyon ng dalawang bansa sa tumpak na direksyon.

Tsina, nakahandang pasulungin pa ang relasyong Sino-Pilipino — Pangulong Tsino

Ikalimang beses, Boao

Nagtagpo ika-10 ng Abril 2018, sa Boao, lalawigang Hainan sa timog Tsina, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.

Sinabi ni Xi, na sapul nang manungkulan si Duterte bilang pangulo, nagbukas ng bagong kabanata ang relasyong Sino-Pilipino. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Pilipinas, na igiit ang pangkapitbansang pagkakaibigan, isakatuparan ang komong pag-unlad, maayos na hawakan ang mga pagkakaiba, at igarantiya ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Duterte na sa kasalukuyan, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Pilipinas at Tsina. Pinasasalamatan aniya ng Pilipinas ang Tsina sa pagbibigay-tulong at pagkatig sa panig Pilipino para sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at pagpapalakas ng kakayahan sa seguridad at paglaban sa terorismo.

Pangulong Xi at Pangulong Duterte, nagtagpo

Narito ang limang pagtatagpo nina Pangulong Xi at Pangulong Duterte, at nagsisimula ang ika-6 nilang pag-uusap sa pagdalaw ni Xi sa Pilipinas. Simula ika-15 hanggang ika-21 ng Nobyembre, dumalaw si Pangulong Xi Jinping sa Papua New Guinea, Brunei, at Pilipinas at nakipagtagpo sa mga lider ng mga bansa ng Pasipiko. Sa panahong ito, dadalo rin si Xi sa ika-26 na Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na idaraos sa Papua New Guinea.

Ito ay kauna-unahang pagdalaw ni Xi sa Pilipinas, at ito'y may mahalagang katuturang pangkasaysayan.

Hinggil dito, ipinahayag ni Kong Xuanyou, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang Pilipinas ay pangkaibigang kapitbansa at mahalagang partner ng Tsina. Sa kasalukuyan, walang tigil na pinalalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, napapanumbalik ang pag-unlad ng komprehensibong kooperasyon sa iba't ibang larangan, at ipinagpapatuloy ang maayos na paghawak sa isyu ng South China Sea. Kumakatig din aniya ang Tsina't Pilipinas sa isa't isa sa rehiyonal at multilateral na antas. Aniya, sa panahon ng pagdalaw, makikipagtagpo si Pangulong Xi kay Pangulong Duterte, Senate President at Speaker of the House of Representatives. Aniya, gagawin ng mga lider ng dalawang bansa ang estratehikong plano para sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Pilipinas, komprehensibong papataasin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan, at tatalakayin hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>