|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo Nobyembre 16, 2018, si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina na dumadalaw sa Papua New Guinea sa mga lider ng mga bansa sa Pasipikong may relasyong diplomatiko sa Tsina. Nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa pagpapalalim ng relasyon. Iniharap ni Xi ang mga mungkahi ng "pagpapalalim ng pagtitiwalaan, komong kasaganaan, pagpapahigpit ng pagkakaibigan, pagbibigay-tulong sa isa't isa at pangangalaga sa pagkakapantay at katarungan." Ito ay lumikha ng bagong panahon ng relasyon ng Tsina at mga bansa ng Pasipiko.
Nag-umpukan kamakailan ang mga dayuhang media sa lumalaking iimpluwensya ng Tsina sa Timog Pasipiko.
Ayon sa ulat ng Associated Press, ang bakas ng Tsina ay nakikita sa iba't ibang lugar ng Port Moresby, halimbawa, mga lansangan, isang pandaigdig na sentro ng pulong na itinatag sa ilalim ng tulong ng Tsina, at istasyon ng bus na may plakeng "China Aid." Bago dumating si Pangulong Xi, inilabas ang full-page statement sa lokal na pahayagan hinggil sa pagdalaw niya na nagsasabing ito ay "bagong paglalayag" ng relasyon ng Papua New Guinea at Tsina.
Hindi pa katagapan nang nagsarili ang mga bansa ng Pasipiko mula sa mga kanluraning bansa. Ang kabuhayan ng mga bansa ay nasa inisiyal na antas at mahina ang pundasyon ng industrialisasyon. Kung hihingi ng pangkabuhayang tulong mula sa kanilang mga dating mananakep, ang naturang mga bansa, ang ibibigay na tulong ay may pasubaling pulitikal. Sa kabilang dako, naninindigan ang Tsina na lahat ng mga bansa ay pantay-pantay kahit malaki man o maliit, at iginagalang ng Tsina ang karapatan ng mga mamamayan sa sariling pagpili ng paraan ng pag-unlad ng bansa. Ang Tsina ay nagbibigay ng tulong na walang anumang unang pasubaling pulitikal sa rehiyong ito.
Halimbawa, ang "China-PNG Integrated Agriculture Industrial Park," ito ay nakakatulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga lokal na mamamayan sa pamamagitan ng paglilinang ng mga angkop na butil at produktong pantubig, at nagpapasulong din ng nagsasariling pag-unlad sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga dalubhasang agrikultural ng bagong henerasyon. Sa ilalim ng tulong ng Tsina, naitatag ang mahigit 100 proyekto sa rehiyong ito na kinabibilangan ng mga paaralan, ospital, tulay, at pasilidad pampalakasan.
Nababahala ang mga kaunlarang bansa na magiging mahina ang kanilang impluwensya sa Timog Pasipiko dahil sa tunay na tulong ng Tsina sa rehiyong ito, kaya, ginagaya nila ang Tsina at pinalaki rin ang tulong sa nasabing rehiyon. Sa katunayan, hindi nag-aalala ang Tsina hinggil dito, tinatanggap ng Tsina na mabuting umuunlad ang mga bansa sa rehiyong ito. Gayun pa man, pinasalamatan ng Papua New Guinea ang pagsisikap ng Tsina. Dahil dito, nailagay sa pulitikal na radar ng daigdig ang mga bansa ng Pasipiko.
Magkakahiwalay na ipinahayag ng mga lider ng mga bansa ng Pasipiko na nananalig silang ang Tsina ay isang mahalagang partner na nakakatulong sa kanila para sa pagsasakatuparan ng mithiin ng pag-unlad, pagpapabuti ng benepisyo ng mga mamamayan, at pagharap sa hamon ng daigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |