Binuksan Nobyembre 20, 2018, sa Seoul, Timog Korea ang Boao Forum for Asia (BFA) Seoul Conference. Sa ilalim ng temang "Bukas at Bagong Asya," nagpopokus ito sa mga isyung gaya ng kooperasyong panrehiyon, inobasyon, inklusibong paglaki ng kabuhayan at iba pa.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Ban Ki-Moon, Direktor Heneral ng BFA na sa kasalukuyan, kinakaharap ng daigdig ang iba't ibang hamong kinabibilangan ng pagbabago ng klima, pagkakaiba ng agwat sa kita, at tunguhin ng reverse globalization. Ang mga ito aniya ay nagdudulot ng kahirapan sa sustenableng pag-unlad. Inaasahan niyang magpapalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok hinggil sa mga ito.