|
||||||||
|
||
NAGLALAMAN ng mas maraming detalyes ang paraan ng pagsukat ng kahirapan sa bansa at makatutulong ito sa pamahalaan upang makagawa ng mga programang mag-aangat sa mga mamamayan.
Ito ang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernis kasabay ng pagbati sa Philippine Statistics Authority na gumamity ng makabagong paraan ng panukat sa kahirapan sa buong bansa. Pinangalanang Multidimensional Poverty Index, ito ay ginagamit ng ng iba't ibang mga bansa na naglalaman ng kakulangan ayon sa karanasan ng mga mamamayan sa larangan ng edukasyon, kalusugan at sustanya sa katawan, pabahay, tubig, kalinisan at hanapbuhay.
Sa unang paggamit nito, mayroong 13 indicator. Mayroon umanong apat sa bawat 13 indicator na tinatayang 23.9 percent noong 2016 at 17.3 percent noong 2017. Hindi sapat na malamang mahirap ang isang pamilya bagkos ay mababatid na rin ang uri ng buhay na kanilang kinasasadlakan at kung ano ang magagawang aksyon upang mawakasan ang mga ito.
Sa larangan ng Edukasyon, natuklasan ang MPI ay 36.5 percent noong 2016 at 36.9 percent noong 2017. Sinundan ito ng Health and Nutrition dimension na kinatagpuan ng 26.2 percent noong 2016 at 27.5 percent noong 2017. Sa larangan ng pabahay, tubig at kalinisan, mayroong 26.4 percent noong 2016 at 27.4 percent noong 2017. Sa employment dimension, nagkaroon ng 10.9 percent noong 2016 at umabot sa 8.3 percent noong 2017.
Sa bawat tatlong taon, ginagawa ang Family Income and Expenditure Survey na nagsasaad ng kita ng pamilya at kanilang gastos, poverty incidence at ang antas ng buhay at kita.
Inaasahang mailalalbas ang 2018 FIES sa unang bahagi ng 2019, dagdag pa ni Secretary Pernia
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |