|
||||||||
|
||
Noong Nobyembre ng taong 2008, idinaos sa Washington D.C. ang kauna-unahang summit ng mga lider ng G20.
Sa panahong iyon, ang isyu ng"kung paano makakahulagpos sa pinansiyal na krisis" ang isa sa mga pinakahamahalagang kinaharap ng mga lider.
Dahil gumanap ng mahalagang papel ang tapat na kooperasyon at koordinasyong pampatakaran ng mga pangunahing ekonomiya sa daigdig, ang kabuhayang pandaigdig ay unti-unting bumalik sa normal na kalagayan.
Makaraan ang 10 taon, muli na namang kinakaharap ng komunidad ng daigdig ang malubhang hamon: ang mabagal na paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Ang pag-unlad ng pandaigdigang kabuhayan ay pumasok ng panahon ng paibabang pagbulusok.
Hinggil dito, sa summit ng mga lider ng industriyang komersyal at industriyal ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na, "ang buong sangkatauhan ay muling dumating sa cross road: kooperasyon o paglalaban, pagbububukas o pagsasarado, at ang nakataya ay kapakanan ng iba't ibang bansa at kinabukasan ng buong sangkatauhan."
Sinabi rin niyang, "kung tatahak sa landas ng paglalaban, mainit na labanan, cold war, o trade war man, walang lalabas na totoong panalo. Ang pantay-pantay na kooperasyon at diyalogo ang tanging kalutasan."
Sa kasalukuyan, idaraos ang G20 Summit sa Argentina.
Mayroong itong dalawang pangunahing tema: ang pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig at pagbabago ng klima.
Ang pangunahing tema ng pagsasaayos ng kabuhayang pandaigdig ay isyu ng kalakalang pandaigdig. Dahil sa kasalukuyan, kinakaharap ng daigdig ang mga isyu na kinabibilangan ng pagpigil ng trade protectionism at unilateralismo, pagsusulong ng globalisasyon, at pangangalaga sa sistema ng multilateral na kalakalan ng buong mundo.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |