|
||||||||
|
||
NANINIWALA si Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na magiging masama ang epekto ng re-enacted budget sapagkat malaki ang posibilidad na mahilang pababa ang kaunlarang nakamtan sa unang bahagi ng taong 2018.
Nagkataong magaganap pa ito sa taon ng halalan ang siyang makapagpapatindi ng situwasyon sapagkat mayroong 45 na araw na pagbabawal sa bagong pagawaing-bayan dahil sa halalan sa ika-13 ng Mayo.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga tagapagbalita, sinabi ni Secretary Diokno na walang mga bagong proyekto ang makapagsisimula hanggang hindi naipapasa ang 2019 General Appropriations Act at ang pagkabalam nito ay mangangahulugan ng pagkabalam ng limang buwan sa pagpapatupad ng mga bagong proyekto.
Makasasama ito sa ekonomiya, dagdag pa ng kalihim lalo pa't sa una at ikalawang kwarter ng taon lalo pa't nakatulong ang paggasta ng pamahalan sa pagsigla ng ekonomiya.
Kung walang pagawaing-bayan, walang trabaho kaya't babagal ang takbo ng ekonomiya, dagdag pa ni G. Diokno.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |