|
||||||||
|
||
MAHALAGANG higpitan ng pamahalaan ang pagpasok ng mga banyagang nagtatrabaho sa Pilipinas.
Ito ang panawagan ng Federation of Free Workers matapos lumabas ang balitang daang libong mga banyagang mula sa Tsina ang nakapasok sa bansa at nagtatrabaho na sa mga construction, leisure at iba pang industriya sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Sonny Matula, ang pagkakaroon ng mga banyagang nagtatrabaho sa Pilipinas ay makasasama hindi lamang sa larangan ng paggawa kungdi sa seguridad.
Nagpapadala umano ang Pilipinas ng may 5,000 mga manggagawa palabas ng bansa sa bawat araw subalit pinapayagan ng pamahalaan ang pagpasok ng mga banyaga. Mayroon umanong nilalabag sa batas ayon sa Labor Code of the Philippines kaya't kailangang gamitin ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III ang kanyang visitorial powers at ipagsanggalang ang mga trabaho ng mga Filipino sa panganib mula sa mga banyaga.
Nakikita umano sa mga pahayagan na ang pangrehiyong tanggapan ng DOLE ang naglalabas ng mga working permit para sa mga banyaga. Kailangan umanong manataling tapat sa kanilang tungkulin ang mga opisyal ng DOLE at huwag basta maglabas ng employment permits sa libu-libong mga banyaga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |