Dumating Nobyembre 27, 2018, sa Madrid si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para simulan ang pagdalaw sa Espanya. Malugod na tinanggap sina Xi Jinping at kanyang asawa Peng Liyuan ng mga opisyal at mamamayan ng Espanya.
Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Xi na sa panahon ng pagdalaw, inaasahan niyang malawak at malalim na makikipagpalitan ng mga palagay kay Haring Felipe VI at Punong Ministro Pedro Sanchez ng Espanya hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan para mapasulong ang bagong yugto ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
salin: Lele