NAGBITIW na si Secretary Jesus Dureza bilang presidential adviser on the peace process kahapon matapos patalsikin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawa sa kanyang mga tauhan na umano'y sangkot sa katiwalian.
Sa kanyang pahayag na inilathala sa kanyang Facebook account, sinabi ni Secretary Dureza na nagbitiw siya sapagkat responsibilidad niya ang mga nagawa ng kanyang mga tauhan.
Si Pangulong Duterte mismo ang nagbalitang pinatalsik na niya ang dalawang tauhan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process matapos makatanggap ng balitang sangkot sa katiwalian ang mga opisyal.
Sinabi naman ni Secretary Dureza na nagtanong siya sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at nabalita nga niyang mayroong mga katiwalian subalit tumanggi ang mga opisyal na itong pormal na ihayag ang kanilang nalalaman.
Maraming nagulat sa desisyon ni Secretary Dureza.