|
||||||||
|
||
NANINIWALA si Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi gagawaran ng kapatawaran ni Pangulong Duterte ang tatlong pulis na napatunayang nagkasala ng pagpatay kay Kian delos Santos noong nakalipas na Agosto ng 2017.
Sa isang pahayag sa Malacanang, sinabi ni Secretary Panelo na hindi pahihintulutan ng pangulo ang anumang paglabag sa batas. Marapat lamang na naaayon sa itinatadhana ng batas ang pagkilos ng mga alagad ng batas.
Nahatulan ang mga pulis sa kasong murder kaya't malayo ang posibilidad na gawaran ng pardon ng pangulo ang mga tauhan ng Caloocan City Police.
Sa panig naman ni Director General Oscar Albayalde ng PNP, sinabi niyang maging babala na ito sa mga pulis na lumalabag sa batas. Pagpapa-alala lamang ang naging desisyon sa lahat ng tauhan ng pulisya na marapat sumunod sa batas sa kanilang mga operasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |