SINABI ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sa pamamagitan ng kanilang Department of Economic Research na makakamtan ang inflation rate sa nakalipas na Nobyembre mula sa 5.8 hanggang 6.6 percent range.
Magaganap ang paghina ng inflation dahil sa pagbaba ng presyon ng petrolyo, ang pagkakaroon ng normal na supply ng bigas at iba pang produktong mula sa mga sakahan at paglakas ng piso laban sa US dollar.
Subalit magaganap ito sa pagkakaroon ng pagtaas sa pasahe sa jeep at bus at mas mataas ng singil ng Meralco. Nagbabantay pa rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga magaganap sa larangan ng ekonomiya at pananalapi upang matiyak na mananatili ang price stability sa layuning magkaroon ng sustainable economic growth, ayon pa sa pahayag na inilabas ngayong hapon.