Nang isalaysay kagabi, Disyembre 1 (local time), 2018, ang kalagayan ng pag-uusap nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na naging positibo at konstruktibo ang talakayan ng dalawang lider tungkol sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan. Aniya, narating ng dalawang lider ang komong palagay na itigil ang pagpapataw ng karagdagang taripa sa mga produkto ng isa't-isa. Bukod dito, iniharap ng dalawang panig ang isang serye ng konstruktibong plano hinggil sa kung paano maayos na malulutas ang mga umiiral na alitan at problema, aniya pa.
Salin: Li Feng