|
||||||||
|
||
Ipininid Sabado, Disyembre 1 (local time), 2018, sa Buenos Aires, Argentina ang Ika-13 Summit of Group 20 (G20) kung saan pinagtibay ang "Deklarasyon ng G20 Summit sa Buenos Aires."
Sa isang news briefing na idinaos nang araw ring iyon, ipinahayag ni Wang Xiaolong, Puno ng Departamento ng Kabuhayang Pandaigdig ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang matagumpay na pagdaraos ng summit ay nagpalabas ng positibong signal sa labas, at napatingkad ng panig Tsino ang konstruktibong papel dito.
Ani Wang, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng iba't-ibang panig para maisakatuparan ang iba't-ibang natamong bunga sa summit. Patuloy aniyang pasusulungin ng panig Tsino ang pagpapalakas ng pagkakaisa at kooperasyon ng G20 upang makapagbigay ng bagong ambag para sa pagpapasulong ng kaunlaran at pagpapabuti ng pagsasaayos ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |