|
||||||||
|
||
Sa kanilang pagtagpo nitong Linggo, Disyembre 2, local time, sa sidelines ng G20 Summit sa Buenos Aires, nagkasundo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos na itigil ang pagpapataw ng karagdagang taripa ng dalawang bansa sa isa't isa.
Ipinahayag ng mga samahang Amerikano ang kani-kanilang mainit na pagtanggap sa nasabing pagkakasundo.
Kabilang sa mga samahang Amerikano ay US Chamber of Commerce, Tariffs Hurt the Heartland, Farmers for Free Trade at iba pa.
Ipinahayag ng US Chamber of Commerce na ang nabanggit na kapasiyahan ng mga pangulong Tsino at Amerikano ay tumpak na pagpili para sa mga manggagawa, kompanya at kabuhayang Amerikano. Ipinahayag din ng samahan ang kahandaang makipagtulungan sa mga pamahalaan ng Tsina't Amerika.
Hiniling naman ng Tariffs Hurt the Heartland sa pamahalaang Amerikano na kanselahin din ang mga ipinataw na taripa.
Ipinahayag naman ng Farmers for Free Trade ang pag-asang ganap na malulutas ng Tsina't Amerika ang isyung pangkalakalan sa lalong madaling panahon para muling pumasok ang mga magsasakang Amerikano sa pamilihang pandaigdig na ikinabubuhay nila nitong ilang dekada.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |