|
||||||||
|
||
SINABI ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na darating sa Martes, ika-11 ng Disyembre ang mga batingaw ng Balangiga na ibabalik na ng Estados Unidos.
Personal na tatanggapin ni Secretary Lorenzana ang mga batingaw na darating sa ganap na ika-siyam ng umaga sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Sa pagbabalik ng mga batingaw sa Pilipinas matatapos na ang kontrobersya at mapararangalan na rin ang mga nasawi sa magkabilang panig. Kinuha ng mga Americano ang mga batingaw noong 1901 matapos mapaslang ang maraming mga Filipino na kinabilangan ng kababaihan at mga kabataan bilang tugon sa pagkasawi ng may 48 mga kawal na Americano sa kamay ng mga rebeldeng Filipino sa kasagsagan ng digmaan ng mga Americano at mga Filipino.
Matapos ang 117 taon, dadalhin na ang mga batingaw sa Balangiga sa Sabado, ika-15 ng Disyembre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |