|
||||||||
|
||
Binuksan nitong Lunes, Disyembre 10, ang 2018 Imperial Springs International Forum (ISIF), sa Guangzhou, punong lunsod ng lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina. Ang tema ng dalawang araw na porum ay Pagpapasulong ng Reporma't Pagbubukas, at Pagsasagawa ng Win-win na Kooperasyon. Lumahok dito ang mahigit 200 dating puno ng estado at ng pamahalaan, mga kinatawan ng mga pandaigdig na organisasyon, dalubhasa, at business leader mula sa iba't ibang bansa.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, inulit ni Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina ang pananangan ng bansa sa landas ng mapayapang pag-unlad at ibayo pang pagbubukas sa labas. Diin ni Wang, palagiang nagsisikap ang Tsina para maging tagapagtatag ng kapayapaang pandaigdig, tagapag-ambag para sa kaunlarang pandaigdig, at tagapagpangalaga ng kaayusang pandaigdig.
Ang ISIF ay magkasamang itinatag ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC) at Australia-China Friendship and Exchange Association (ACFEA), noong 2014.
Si Wang Qishan
Salin: Jade
Pulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |