Ipinagpaliban nitong Lunes, Disyembre 10, local time, ni Punong Ministro Theresa May ng Britanya ang botohan ng Parliamento hinggil sa panukalang pagtiwalag ng bansa sa European Union (EU), o ang Brexit deal. Disyermbre 11, nakatakdang idaos ang botohan.
Sinabi ni May sa House of Commons, mababang kapulungan ng Britanya na ginawa niya ang nasabing desisyon makaraang malamang may posibilidad na tutulan ang kasunduan ng "significant margin." Paliwanag ni May, suportado ng mga mambabatas ang mga masusing nilalaman ng kasunduan, pero, nananatiling malalim ang pagkabahala at hiwa-hiwalay ang paninindigan hinggil sa "backstop" ng Northen Ireland. Nakahanda aniyang makipag-usap ang kanyang pamahalaan sa mga lider ng EU hinggil sa nasabing isyu.
Pagdating ni PM May sa 10 Downing Street makaraang ipatalastas sa House of Commons ang pagpapaliban ng botohan hinggil sa kasunduan ng pag-alis ng Britanya sa EU, sa London, Britanya, Disyembre 10. (Xinhua/Han Yan)
Mga protestors laban sa pag-alis ng Britanya sa EU sa labas ng House of Parliament, sa London, Britanya, Disyembre 10. (Xinhua/Joe Newman)
Salin: Jade
Pulido: Mac