Sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina na idinaos ngayong araw, Martes, ika-18 ng Disyembre 2018, sa Beijing, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, at pagpapasulong ng reporma, pagbubukas sa labas, at mga usapin ng sosyalismong may katangiang Tsino, ay tatlong pangunahing pangyayaring makasaysayan sapul noong 1919, na pinakamahalaga para sa pagtahak ng nasyong Tsino ng landas tungo sa dakilang pag-ahon.
Ipinalalagay din ni Xi, na pagkaraang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC noong 2012, pumasok sa bagong panahon ang sosyalismong may katangiang Tsino, at dumarami ang mga natatamo ng mga mamamayan sa mga aktuwal na benepisyo, maligayang pamumuhay, at kaligtasan.
Salin: Liu Kai