Sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina na idinaos ngayong araw, Martes, ika-18 ng Disyembre 2018, sa Beijing, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat laging ituring ng Tsina ang pag-unlad bilang pinakamahalagang tungkulin ng bansa.
Inilahad din ni Xi ang iba pang mga pangunahing tungkulin, na gaya ng pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan para sa maligayang pamumuhay, pagbabago ng pamamaraan ng pag-unlad, pagsasagawa ng estratehiya ng innovation-driven development, at pagpapalakas ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal.